Talk back and you're dead. Volume three, "Never talk back to a gangster"
"Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pagharap sa taong hindi ko nakita nang lagpas kalahating taon. "Miracle," pagtatapos niya na may tipid na ngiti. Hindi ako makpagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito na siya sa harap ko. Sa sobrang daming emosyon na nararamdaman ko, hindi ko na alam kung ano ang mas nangingibabaw. Nanghihina ako. Parang anumang oras ay bigla na lang akong babagsa...